Pasig Palengke Night Market || PINAYAVENTURES TIPID TIPS
February 17, Biyernes! Ako ay nagtungo sa bahay ng aking tita sa Pinagbuhatan Pasig upang makasama ang aking kapatid at mga magulang na nagbabakasyon dito sa Manila galing ng Zamboanga! Pagkatapos naming maghapunan aming napagusapan ang kanilang pagpasyal sa Taytay at pamimili ng mga murang damit. Dahil Biyernes nun naisip kong yayain ang aking nanay at tita sa Pasig Palengke Night Market kung saan makakabili ka ng mga damit na galing din sa Taytay. Para sa mga ayaw bumyahe ng malayo o iniiwasang matraffic at malapit sa Pasig Palengke kesa sa Taytay ang pamilihang ito ay magandang alternatibo.
Bilang mahal ang mga damit sa Zamboanga, maraming napamili ang aking mudra na dadalhin nya pauwi. May mga shorts na tig 20, 50, 100 na ang pinakamahal. Hindi ko napicturan ang lugar dahil medyo siksikan at marami na kaming dala.
ito ang larawan ng ilan sa mga damit na nabili namin sa halagang 50 pesos! May kaunting damage sa tela na hindi naman halata. Normal range ng presyo ng dress ay 100-200 depende sa disenyo.
Saan aabot ang 50 pesos mo?
Dress na yan sa Pasig Palengke night market mga beshies! Kasing mura ng mga bilihin sa Taytay kaya kung mas malapit ka dito, push mo na yan teh!
How to get there:
From Guadalupe Mrt or Market Market
➡ride a jeepney papuntang Pateros 8pesos/person
➡pagbaba nyo ng Pateros bayan hanapin ang Mercury Pateros at magabang ng jeep papuntang Pasig Palengke
➡pagdating sa Pasig Palengke umakyat sa 3rd floor at ihanda ang wallet dahil mapapamura ka sa sobrang mura ng paninda.
Siguraduhing pumunta ng Thursday or Friday 8pm-12am dahil yan lang ang araw na bukas sila!
Siguradong babalik ako at next time pipicturan ko na po ang lugar upang magkaroon kayo ng ideya.
Happy shopping mga beshies!
#tipidtips #livelifeforless #afforablefinds
Thursday po? hnd po ba wednesday night po un? and always po ba sila open ng friday? Thank you po
ReplyDeleteHi Kristine! Monday, Wednesday at Friday na currently and sched nila. Visit ka na if lapit ka lang or pag mas malapit ka sa Taytay mas mura dun.
Deletewhat time po ng friday best pumunta?
DeletePamu po pumunta nung sa tatay?
ReplyDeleteSaan po don sa pasig palengke?hindi kasi ako familiar sa lugar pero nakapunta ako sa palengke mismo ng pasig
ReplyDeleteBest Food Caterers hyderabad
ReplyDeleteHello poh every anu po bah yung night market xa pasig palengke poh? Salamat :)
ReplyDelete