Hello Kitty themed Manila Optical Clinic || PINAYAVENTURES

Saan aabot ang ang 399 pesos mo?
Makakakita ka na ng maayos beshie!

Ika nga ng calling card nila "See us and see better!" Pak na pak!

Complete set na yan ng eyeglass sa hello kitty themed Manila Optical Clinic ni Dra. EMIE M.SANTOS!

How to get there:

➡From Mrt Taft station lakad ka papuntang Lrt line 1 Edsa station at bumili ng ticket pa Lrt Carriedo
➡pagbaba ng Lrt Carriedo ay makikita mo ang Sm Clearance outlet/Sm Carriedo pagpasok mo doon umexit ka papunta sa likod ng Sm Clearance outlet kung saan maraming mga panindang nilalako. Sa misnong likod ng Sm Clearance outlet ay marami ka nang makikitang optical shops at isa na dito ang hello kitty themed optical shop ng Manila Optical Clinic.





                         Eto po ang kanilang calling card para sa mga interasadong pumunta.



Eto po si Empoy ang aking kapatid, hindi po malabo ang mata nya pero sinama namin sya dahil pinasyal namin sya sa Chinatown Binondo at kumain kami sa Wai Ying. Kaya kung sakaling mapadpad kayo sa Lucky Chinatown malapit nalang po etong clinic pwede po kayong mag pedicab/tricycad.


Eto po ang harap ng clinic! Nakasale po sila ngayon 399 pesos lang po at liliwanag na ang inyong buhay ay este paningin pala!


May mga iba't ibang pagpipilian po kayong frames at depende sa inyong napili ang inyong ibabayad.


Pagbungad mo palang matutuwa ka sa girly vibe at lalo na pag Hello Kitty lover ka dahil halos lahat ng gamit dito ay hello kitty inspired. Mula sa salamin, upuan, signeage, at marami pang iba.


Ang napiling frame ni Mama ay under sa 399 pesos package lamang pero dahil gusto naming may color ung lens na brown kaya 500 pesos ang aming binayad.


Eto naman ang napili ni Papa na 399 pesos lang din ang package ngunit nilagyan ng blue na color ang lens kaya naging 500 pesos.

Dinala ko ang aking mga magulang upang magpatingin ng mata at para na rin may salamin sila na swak sa grado ng kanilang mga mata.






Napaka accomodating ni Dra. kaya hindi ka mahihiyang magtanong o makipagusap sa kanya.


Nakabili rin ako ng sunglasses sa clinic nila na originally 180 pesos pero natawaran ko ng 150 pesos(use your tawad skills, hehe)

Eto naman ang napili ko multicolored sya at yung walang shadow pag sa picture at pwedeng gamitin pag ikaw ay parating nakatutok sa computer. May mga isusuggest si Dra na frame depende sa hugis ng iyong mukha pero syempre ikaw parin ang final decision. Ang complete package ng aking salamin ay 800 pesos.


Manila Optical Clinic
Dra. EMIE M. SANTOS
Tel No. 9258981
Cp No. 09215616692
Address: 322 P. Gomez st. Cor carriedo st. Quiapo Manila

#tipidtips #livelifeforless #affordablefinds


Comments

Popular posts from this blog

A TASTE OF ZAMBOANGA IN MANILA:SATTI, PASTIL, DARAL, KNICKERBOCKER AND MORE || PINAYAVENTURES

TOP 5 AFFORDABLE CATERING SERVICE THAT SERVES DELICIOUS FOOD IN ZAMBOANGA CITY

Tilapia Festival at LAUREL BATANGAS: Masterchef Competition